Thursday, June 28, 2012

DREAMS THAT WERE NOT SWEET..:(

di ko matandaan kung pano nagstart...
pero this year,mdalas akong bangungutin :(
yung feeling na alam mong gising ka pero alam mo ding nananaginip ka.
yung gustong gusto mong kumilos at imulat ang mga mata mo, pero sobrang hirap gawin dahil parang may malakas na pwersang pumipigil at parang mauubusan ka pa ng hiniga...
yung akala mong ginigising ka na ng Lola mo or ng kapatid mo,pero pagmulat mo,panaginip pa din pala (2 layers ang dreams??!!!!)

natatakot na ko...
sa isang gabi,minsan hindi lang isa or dalawa,kundi tatlong beses pa!!..
paggising ko,di ko ma-explain ang "panaginip" ko.
para talaga kong mamamatay dahil ang hirap huminga..

as of this writing,2:50am na ditom sa apartment.
sobra na kong inaantok pero ayaw ko pang matulog dahil natatakot ako.
wala pa yung mga kasama ko dito sa apartment.

sa bahay lang naman namin sa baras ko nararanasan yung bangungot.
Dito sa apartment,hindi naman at nawa'y hindi na mangyari yun.

Lord God, patawad po sa lahat ng mga pagkakamali ko.
Please, tulungan Nyo po ako para hindi na mangyari sakin ang mga ganung panaginip/bangungot.
NAKAKATAKOT po talaga.
Pagkalooban NYO po sana ako ng QUALITY SLEEP.
Thank YOU po...

No comments: