Tuesday, February 28, 2012

THE "WEN SHA" SPA EXPERIENCE..^_^

last february 15 2011,wednesday,dapat uuwi ako samin..
pero dahil nag aya c Boss ng dinner,go na lang sa dinner..
sino ba naman kasi ang makakatanggi sa masarap at bonggang dinner noh??...:)

dun kami napadpad sa Bistro Mateo..
After ng dineer, pauwi na kami nang biglang nag-suggest c Tom na masarap daw mag pa massage..
dun daw sa Wensha...
aba etong mga kasama namin eh pumayag..
kahit di ko gusto, dahil malalagasan agad ako ng pera, bagong sweldo eh, wala na kong nagawa.majority wins..

at talagang sa PASAY pa kami dumayo apra mag-pamassage ha..
pagdating dun, ayun nagbayad na kami, 680 ung binayad namin for the whole body massage..
pagpasok na namin sa locker room  ng girls, NAKAKALOKA ang mga pangyayari..

may Jacuzzi, Sauna, at Steam BAth..
kaya lang, dapat ung Towel lang ang nasa katawan mo pag pumasok ka na pala dun..
as in TOWEL lang...GOSSSSHHHHHHHHH!!!!!!...:/
Si gab.habang nasa massage room na kami..:)

di namin alam ni Gab kung ano gagawin namin..ano, maghuhubad na ba tayo?as in pati undies,huhubadin!!!...argg!!!!..nakakaloka talaga yun...
no choice, ung ibang babae dun, walang hiya hiya..HUBAD all the way...

cge na nga, sulitin na lang natin ung binayad natin na 680..:)
nag shower muna kami then triny yung STeam BAth..
ang init, nakak-suffocate dun..hehehe..
ung ibang babae, talagang HUBAD kung HUBAD..
no pakels sa iba...
di namin carry ni Gab un..
ang higpit higpit ng pagkakahawak namin sa towel para sure na di un mahuhulog ha..
sobrang naive namin dun, parang out of place kami dun eh...

kaya lang dahil nandun na nga kami eh, GO na lang ng GO!!..
after ng STeam Bath, Sauna Bath namin..
Mainit, pero oks lang kasi mabango naman..after 15 minutes, pawisan na kami..
pahinga lang ng onti, then jacuzzi na..
eto na!!tinanggal na namin ung towel, skin-deep..hahahah...bold lang habang nakalubog sa tubig...
nakakailang!!!..
mga mag-twetwelve na nung nagshower na ulit kami para i-ready na ung body namin for a massage.
nagdadalawang-isip pa kami if lalabas na kami to get a massage kasi baka ung mga boys na kasama namin eh nag -eenjoy pang magbabad sa jacuzzi.
ang ending, pagkapunta namin sa dining area, ayun, kakain na sila dahil tapos na silang mgapamasahe..hahahahaha..kami pala iintayin nila..

nag-pamassage na kami...
honestly speaking, hindi ako masyadong nasarapan sa masahe nila..hehehehhe..
ewan kung bakit..
past 1am na ata nung natapos massage session namin ni Gab..
pagpunta ulit namin sa dining area, ayun tulog sina Tom,Ben,at Clef...
sensya naman boys..
dahil ankakahiya namang pag intayin pa sila ng matagal, mabilisan ang naging pagkain namin ni Gab.
sayang, EAT-ALL-YOU_CAN pa naman yun...:)
Gabby.

di masyadong na-enjoy ang "eat-all-you-can" :/

tulog!!..hehehe..napagod s apaghihintay or masyadong nasarapan sa masahe??...



Clef and Ben.

mga 3am na nung nakabalik kami sa apartment..

yan ang nakakaloka at nakkagulat na spa experience namin...

^_^


Thursday, February 23, 2012

LWI @ 18

last february 14 2012, our "DEAREST" company celebrated it's 18th founding anniversary..(dearest talaga???!!!!..kaloka!!hehehehhe...)


buti na lang may event sa office, naiwasan ang masyadong pag-iisip ng mga ka-sweetan na hatid DAPAT na Valentine's day..:)

at 3:30pm, nag-start na ung thanksgiving mass.sa planta lang ginanap ang misa.




seryso talaga??!!!..hihihihihi...
the LWI Family:

si Ma'am Malou; ang nag set ng altar, ang nag-lead sa choir

Ka ESTONG!!!..nakatulog ka ba or masyado ka lang talagang taimtim manalangin?..:)

okei..sabi ko nga po..misa to eh....

ang dakilang KAMBAL...c Allan (a.k.a. ACO) at si Darwin...do I need to state the reason why they are called twins??....hahahhaha...LOOK UP!..


MA'AM MALOOOOOOOOUUUUUUUU!!..:)


c MA'am MAlou pa din..

c Sir Bobot at c SIr Allan....

do they have ONE thing in common???....hahahhahaha..isipin kung ano yun!>. Clef, Sir REne, and Sir Ernie


Ma'am Malou.....

Sir, kay Father po kayo tumingin, parang may nakita lang kayong chikababes sa labas ah..hehehe..Peace po sir..:)



the WORKERS..:)
just after the mass...
pictorial na!!!..:)

The boys and girls from Engineering..plus HR girls plus Estimation girl...

Boys..Boys..Boys....nakkasilaw ha!!!!..^_^

Si SIr Budz at ang mga alaga nya...

ENGINEERING DEPT.one more time!...

kainan time!!..
ayun ang maganda sa isang event...hahahahha...
pinakamasayang time!!EATING TIME!!!...

madalas na gan'to ang eksena pag may birthdays a office...pila pila...
dati rati, 3 years ago..ang unti pa ng tao sa office..ngayon, bumongga sa dami ng tao!!!..
nag multiply into 4 times ata ng bilang ng staff eh..:)

Ms. April (HR)

Ms. MItch (HR)

Germaine,the CHinese girl with Sir Rowel

TWINNY, Ms. April, and JC (the actor...kasi lumabas sya sa segment ng PNV ng EAt BUlaga..hehehehe)

the ENginnering... Louie, Eunice,MAine,Jen, and Joan..

Ms. Mitch and Lovely

Dong, SIr Budz, Sir Rowel, and April


sugod lang nang sugod pag kainan na..hehehe..:)
first work ko 'tong sa LWI...
kala ko mga one year lang ako dito, pero  3 years na ko!!!..hahahahha...
ansaya lang kasing kasama ng mga tao dito (ung nasa operation ha..hehehehehe...)
parang mga college classmates ko lang kasama ko na ung mga boss mo (sa operation ha...heheheh^_^) eh parang barkadang prof. mo....the best!!!...
wala talagang tatalo sayo Ma'am MAlou!!!!..ikaw na!!the best ka..:)



Ms. April with the "EAST TOWER" peeps...

pila pila para sa RASYON!!..hahaha..

Ms. Mitch, Lovely, Shirley

Ms. Mitch (the kaka-loka girl) with Lovely (ang crush ng bayan)


at ang pinaka-excited pagdating sa kainan!!!..AKO!!!
hehehehhe..:)

Ako with the "GI-G2" dabarkads..college classmates ko pa!!..Erwin and Lanie

pose ulit with Engineering, ako pa lang may fodd/?...ambagal kasi nila eh...

Sir Budz, ang pinaka-batang empleyado sa LWI..hehe.

sa loob ng tatlong taon na namalagi ako sa loxon, masasabi kong mas madami namang masayang "moments" kaysa sa hindi kagandahang pangyayari...
madaming umalis,madami ding bagong dumating, at may mga bumalik....
nung time na pumasok ako ngng 2009 dito, di pa ganun kadami ung mga projects..
nung last quarter na ng 2010, tsaka pa lang ako nakakuha ng project..then nung 2011, anlalaki naman ng mga projects na nakuha ko...
thank YOU po!!!..^_^

if ever wala na ko dito sa 19th birthday ni LWI, hiding hindi kita makakalimutan.
dahil hindi lang dahil ito ang UNA, pero dahil dito nahubog ang kakayahan kong makipag-socialize, matutong magtyaga at magsumikap.
sa kompanyang ito, napuntahan ko ang mga lugar na di ko pa napupuntahan.
dahil sa mga bossing dito (sa operations lang ha), nakakakain kami ng libre..
yung tipong pag may birthday, automatic na libre na ang merienda.
yung chikahan to the max with my officemates (lalo na kung wala ng aming amo..)
ung uminom at malasing.
at mag-outing na lasing sa kasiyahan..:)

HAPPY 18th BIRTHDAY LOXON WANDSET, INCORPORATED!!!..:)


Friday, February 17, 2012

UNOFFICIALLY YOURS

sa wakas natuloy din ang panonood ng movie kagabi (feb 17 2011, friday)
dapat nung thursday pa kami manonood pero dahil nag ka aberya pa ko sa office, we decide to cancel it and make it on friday...


at usapan 6pm magkikita kita sa megamall..
anong oras na dumating ung iba??!!!...mag-e-8pm na..
sa last full show na tuloy kami napunta...
8:50pm ung start..

first ko na nanood ng sine na walang maupuan!!...
standing!!!...PATOK na PATOK ung movie ha....
cge, ayos lang..upo na lang sa lapag...

GRABE!!!!...kilig na kilig ako sa movie...
yiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!...^_^

di ako fan ni JLC, pero sa movie na un, napakilig nya ko ng BONGGA!!!..:)
ang cute nya pag nagpapa-cute sya kay Angel...

gusto kong maka-meert ng isang MACKIE na magtuturo sakin kung pano mawala ang takot na magmahal ulitt..

isang MACKIE na willing to wait and ready to get hurt, MAHALIN ko lang sya...

isang MACKIE na magpapakita sakin kung gano kasarap magmahal at kung gano kasaya ang mahalin...

naiyak ako dun sa part na kinuwento na ni Angel kung bakit natatakot na syang magmahal...
ansakit nun!!!!!.....

haaaaayyyyy....LOVE..........................

i love the movie!!!...andaming chessy lines ni JLC...
nakakakilig talaga....un na!!!...


SOME LINES IN THE MOVIE:



Gusto ko lang maging masaya siya kahit hindi ako ang dahilan kung bakit siya masaya.” – Mackie Galvez
Kahit gaano pa kalaki ang pagmamahal na ibigay mo, hindi ‘yun hadlang para sa isang tao na ‘yun na saktan ka.” – Ces Bricenio
Sa bawat isang pinipili may isang libo kang tinatangihan……pero higit ka pa sa isang libong bagay na pwedeng tangihan ng isang taong tulad ko.” – Mackie Galvez
Bat ka naman kasi papasok sa isang committment kung takot ka naman ma-inlove?
Ces: Hindi ka ba nagsasawang masaktan? Ces’ mother: Nagsasawa naman pero ‘di lang ako napapagod magmahal.
Paano ko makikilala yung taong para sakin yung taong magmamahal sa’kin kung sa bawat sakit na mararamdaman ko ay susuko agad ako.
Hindi naman talaga tayo napapagod masaktan e, dahil sa totoo lang, hindi rin naman tayo napapagod na magmahal.” – Cess Bricenio
Hindi mo lang alam. Gustong- gusto kitang mahalin, kaso natatakot ako. Natatakot akong masaktan. Ano na lang ang matitira sa akin kapag iniwan mo ako? Kasi habang lumalaki ang pakiramdam ko na minamahal kita, lumalaki din ang takot sa puso ko. Takot na akong masaktan muli. Minsan kasi sa buhay ko, may isang taong nagsabi din ng mga sinasabi mo ngayon. Pero anong nangyari? Iniwan din niya ako. Kaya mahirap na ring magtiwala ngayon.
Angel Locsin (Ces): Malabo ba? John Lloyd (Mackie): alin? Angel Locsin (Ces): TAYO?? John Lloyd (Mackie): May… TAYO na pala, Ces.. Angel Locsin (Ces): (tumingin na parang may laman) John Lloyd (Mackie): Biro lang..
John Lloyd (Mackie): Pwede bang maging TAYO na lang? Angel Locsin (Ces): Alam mo? Lahat ng ganyan, ang ending nyan, hiwalayan din. Saka di na yan uso.