Friday, May 8, 2015

LETTER TO HEAVEN


May 9, 2015
Hello Mother Dear!..
Happy 8th Heavenly Birthday up there!

Well, 8 years without you, madaming nangyari sa bawat isa sa amin. Masaya, malungkot. There were times in my life na I wish na nandito ka,but thinking naman na you have no pain dyan, I must face/conquer my life issues to be a better woman that you’ll be proud of.
Update kita Ma. Alam naman namin na nakikita mo at nalalaman mo nangyari sa walong taon na lumipas, pero kwento ko pa rin sayo. ^_^

Si Father Dear, your loving husband, ayun waiting na for approval ng Pension nya from SSS, na napakatagal mag update. If di busy panonood ng laro ng basketball sa gym, busy sya pagbabantay sa mga makukulit na apo. At pagdating ng akinse at katapusan, baraha at pichas naman ang laruan nila.hehehe.. Ayun, health naman ni Papa, high blood. May maintenance medicine na din. Kaya Ma, iguide mo na lang si Father and we are praying din na wag na sya magkaksakit.
 

Your panganay, ohh turning 32 na pala sya this year. Well, if ano sya nung nandito ka ganun pa din sya now..:) Married with 2 children. (apat na nga sana). Si Valerie, na angel na din kasama mo dyan, 6th birthday na nya dapat dito bukas. So malamang ikaw ang punong-abala sa party nya dyan sa taas.Si Mikael, ang baby namin bahay, mag-3 na sya sa May 31. Pag tinanong mo kung ano name ng Papa nya, sasabihin si Peg (Lolo Peg tawag ng mga apo nya kay Papa). Kaya bunsong anak sya ni Papa.hehe… Si Alexa, ang 17-month old cute baby girl na wala pa din ngipin.

 
Bagong panagank si Aay kay ALexa.
Alexa
Mikael
 
 
The first boy in the family,your 2nd child,  31 na sya this year. Working in the company that I’m working. Panganay na anak nya na si Khyllie, the one and only apo na nasilayan mo when you’re still with us, aba Ma matalino. Top 1 sa class nila. Grade 3 na pagpasok. Mana daw kay Baks sabi nya.;) Yung bunso nila,si Kylong, tawag ni Papa the “destroyer”. Ang hilig manggulo ng mga laruan,mambato pati pag di sya napagbigyan sa gusto nya. Mag school na sya sa pasukan.:)


Kylong
Kylong, Khyllie, Kael
Khyllie

At ako, well, as I said before THANK you for visiting me in my dreams to give your blessing and approval for my upcoming LIFE-CHANGING event. Thank You and we miss you every day.
 
Si Atrick, may Patrice na,sabi nila kamukha mo daw..;) Nagtratrabaho na din si Atrick kasama ni Baks.
Marose, Patrice, KAel, Emm, Ana
Patrick

Kael, Ana, Patrice
 
 
And siguro nabasa mo post ni Aldo nung ‘earthly’ birthday mo Ma, ikaw lang daw yung tanging kakampi nya. And siguro sya yung may pinakamataas na level na kagustuhan na nandito ka (gusto naming lahat syempre na kasama ka,feel ko lang sya yung may pinakamataas na intensity). May Scott na din sya, Baby Taba daw sabi ni Kylong.
Baby Taba (Scott)
 
 
 
 
Well your prettiest daughter is a Degree holder na Ma!.. Nakagraduate na sya ng B.S.B.A. Marketing Management. Thankful din ako dahil nagtyaga din sya makatapos, kahit alam ko naman na hindi ganun kasapat yung prinoprovide ko na finances for her. And your Ana Decem is masipag pa din. Luto,Laba,Linis, Tindera, at tagapag alaga ni Kael. And pinagpre-pray ko na makahanap sya ng magandang work. (at syempre wag muna mag aasawa..^_^)

 
And syempre Ma, your most precious “SANGGOL” is certified binata na!!..Enrolled na sya as Freshman B.S. Criminology. Athletic din, at sya pinakamatangkad sa mga lalaki mong anak Ma. Pero ganun pa din Ma, maangas..hehehehe..Pero nababawasan na naman paunti unti..;) Sya na ang magiging kauna unahang apong lalaki ni Inang na magiging degree holder..(Will pray for this to happen)
 
 
Ma, never a single day na di ka namin naaalala, you’d been the great part of what I’d become as a person. Ma, i-guide nyo lang po kami at si Inang. Advance Happy Mother’s day na din Mama.

We love you!